MANILA, Philippines - Sa layuning masolusÂyunan ang mga water at flood issues sa Laguna De Bay Region (LDBR) magsasagawa ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) ng isang summit na may titulong “The Laguna Lake Water and Flood Management Imperative†na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City sa Oktubre 3 at 4, 2013.
Ito ang inihayag ni Presidential Adviser for Environmental Protection at Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager Sec. J. R. Nereus O. Acosta na kung saan ay kasama rin dito sina Public Works and Highways Sec. Rogelio Singson at Budget and Management Sec. Florencio Abad.
Ang summit ay isang seminal effort para mapagsama-sama ang lahat ng stakeholders ng LDBR at talakayin ang mga integrated approaches sa water and flood management sa Laguna Lake Basin.
Magkakaroon rin umano ng exhibition ng mga produkto, teknolohiya at mga serbisyo ng iba’t ibang stakeholders sa naturang summit.
Sinabi pa ni Acosta, kinakailangang ang lahat ay sangkot sa pagbuo ng viable at long-term solutions sa mga problemang may kinalaman sa suplay ng tubig at mga pagbaha.
Inaasahang lalahok sa kumperensiya ay mga kinatawan ng iba’t ibang sector tulad ng mga industry owners, business leaders, pollution control practitioners, LGUs at policy makers, civil society
at academe, peoples’ organizations, at community representatives tulad ng mga kababaihan, fisherfolks, mga magsasaka at mga maÂngangalakal.