MANILA, Philippines - Ipinapaaresto ng Gumaca, Quezon Regional Trial Court ang 13 pulis sa pangunguna ni Sr. Supt. Hansel Marantan kaugnay ng kasong multiple murder na isinampa ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng pag-rubout umano sa 13 katao sa Atimonan, Quezon noong Enero 6 ng taong ito.
Ang warrant of arrest ay inisyu ni Judge Maria Chona Pulgar-Navarro ng Branch 61 ng Gumaca Regional Trial Court (RTC) at walang inirekomendang piyansa para sa pansaÂmantalang paglaya ng mga akusado.
Si Marantan, dating hepe ng Intelligence ng Police Regional Office (PRO) IV A ang namuno sa checkpoint na nauwi sa shootout umano na lumitaw namang rubout sa imbestigasyon ng DOJ kaugnay ng operasyon sa grupo ng umano’y gambling lord na si Vic Siman.
Sinabi ni Sr. Supt. Wilben Mayor, Spokesperson ni PNP Chief Director General Alan Purisima na welcome sa PNP ang pagsasampa ng kasong multiple murder laban kina Marantan at anya sa oras na matanggap ng PNP ang warrant of arrest ay agad nila itong isisilbi kay Marantan at iba pang akusado na pawang ‘restricted custody’ sa Camp Crame.
Bukod kay Marantan kabilang pa sa mga kinasuhan ng multiple murder ay sina Supt. Ramon Balauag, Chief Inspector Grant Gollod, Sr. Inspector John Paolo Caracedo, Sr. Inspector Timoteo Federis Orig, SPO3 Joselito Claro de Guzman, SPO1 Claro Jr. Lizano Cataquiz, SPO1 Arturo Comea Sarmiento, PO3 Eduardo Lirio Oronan, PO2 Nelson Pawang Indal, PO2 Al Bhazar KamÂlian Jailani, PO1 Rodel Almacen Talento at PO1 Wryan Baltejar Sardea.
“The respondents are presently under restrictive custody by the Headquarters Support Service and are reporting daily for accounting from 6 am to 1 pm and 10 pmâ€, ani Mayor maliban lamang umano sa tatlong nag-AWOL (absence without official leave) na sina Balauag umpisa pa noong Hulyo 8, 2013; Indal mula naman noong Agosto 16, 2013 at PO2 Al Bhazar Jailani simula naman noong Agosto 8, 2013.
Napawalang sala naman sa kaso si dating Police Regional Office (PRO) IV-A Director Chief Supt. James Melad sa kasong multiple murder.
Ipinag-utos na rin ni Purisima kay PNP Internal Affairs Service Chief P/Director Alexander Roldan na madaliin ang kasong administratibo sa mga akusado.
Kabilang sa mga nahaharap din sa kasong administratibo ay sina InsÂpector Ferdinand Aguilar, PO3 Benedict Dimayuga, PO2 Ronnie Serdena, PO1 Allen Ayobo, PO1 EsperÂdion Corpuz Jr. at PO1 Bernie de Leon.
Ang kaso laban sa 11 miyembro ng 11 Army Special Forces Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Monico Abang na tinawagan ni Marantan para tumulong sa pagharang sa grupo ni Siman ay dinismis ng DOJ.