^

Police Metro

Lanuza balik Pinas na

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong araw na ito ay darating na sa bansa matapos ang may 13 taong pagdurusa sa kulungan ang overseas Filipino worker (OFW) na si Roge­lio “Dondon” Lanuza na nahatulan ng bitay dahil sa pagpatay sa isang Saudi national noong 2000.

Nabatid na inaasahang lalapag ngayong hapon sa Ninoy Aquino In­ternatio­nal Airport mula Dammam ang eroplano ni Lanuza.

Nagpasalamat si Vice President Jojo Binay sa pamahalaang Saudi Ara­bia lalo na kay King Abdullah dahil sa mala­king tulong na ibinigay kay Lanuza matapos na akuin ang kakulangang 2.3 milyon Saudi riyal na blood money mula sa kabuuang 3 milyon SAR o mahigit P32 milyon upang ganap na makakuha ng tanazul o affidavit of forgiveness sa pamilya ng Saudi national na kanyang napatay.

Magugunita na si La­nuza ay hinatulan ng bitay ng mataas na korte ng Saudi noong 2001 dahil sa pagpatay sa isang Saudi national na nagtangka umano siyang gahasain.

DAMMAM

DONDON

KING ABDULLAH

LANUZA

MAGUGUNITA

NABATID

NAGPASALAMAT

NINOY AQUINO IN

SAUDI ARA

VICE PRESIDENT JOJO BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with