Babae na kumidnap ng dalagita, naaresto

MANILA, Philippines -Naaresto na ng mga otoridad ang isang babae na dumukot noong Set­yembre 2 sa isang 12-an­yos na dalagita matapos na maispatang pagala-gala sa isang barangay na tila muling mambibiktima sa Quezon City.

Ang suspek na nagpakilalang si Marivic Flores na kasalukuyang nasa kustodiya ng  Quezon City Police District Station 7 na personal na kinilala ng 12-anyos na dalagita na siyang dumukot sa kanya.

Batay sa ulat, ganap na alas-3:30 ng hapon ay sinita si Flores ng isang residente dahil sa pagpasok ng walang paalam sa loob ng isang internet shop sa may Pinatubo St., Brgy. Kaunlaran.

Nang tanungin ay mabilis itong nagtatakbo kaya’t hinabol ng residente at nang madakip ay dinala sa barangay hall.kung saan siya nakilala ng biktima.

Magugunita na dumulog sa PS7 ang pa­milya ng biktima hingil sa pagkawala ng bata na itinago sa pangalang Marissa sa may Monte de Piedad St., Brgy. Kaunlaran, Cubao noong Setyembre 2, 2013.

Sa salaysay ni Marissa na isinama siya ng suspek sa isang bahay at  nadatnan nito ang isang babae at dalawang lalaki na naghihintay doon.

May mga kasama pa umano ang biktima ng mga babae, ay tanging siya lamang ang pinakabata.

Pinainom siya ng isang basong tubig na nakapagpatulog sa kanya at nang magising ay iba na ang suot niyang damit.

Nakatakas lamang ito nang malingat ang bantay nito at nagtatakbo papalayo sa lugar at nang makauwi ay saka ipinagtapat sa mga magulang ang pangyayari.

Show comments