Enrile, Bong, Jinggoy naka-kickback ng P581-M sa pork SCAM

MANILA, Philippines -Kumita umano ng P581 milyon kickbacks sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla sa kanilang Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel.

Ito ang lumabas sa record ng kasong  isinampa ng  Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) at tiniyak ni Justice Secretary Leila de Lima na mas marami pang  mambabatas na masasampahan ng kaso sa mga susunod na araw.

Si Enrile ay may kickbacks na P172,834,500 habang sina Revilla  ay  may P224,512,500; at P183,793,750 naman si Estrada na pawang pasok sa threshold ng kasong plunder na P50 million.

Bukod sa tatlong se­na­dor ay kabilang din sina Janet Lim-Napoles, dating Rep. Rizalina Sea­chon-Lanete na uma­bot ng P108,405,000 ang umano’y ibinulsang PDAF funds ni dating Rep. Edgar Valdez, ay nasa P56,087,500.

Samantala, hihilingin ng DOJ ang tulong ng Anti Money Launde­ring Council (AM­LC) upang hilingin sa korte na magpalabas ng freeze order laban sa assets ng mga indibidwal na kinasuhan kaugnay sa pork barrel fund scam.

 

Show comments