Consumer group nanawagan sa SBMA
MANILA, Philippines - Nanawagan ang isang consumer advocacy group sa pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), maging sa Bureau of Customs (BoC) na silipin ang mga delikado na mga hazardous chemicals at iba pang gamit kung paano ito itinatapon sa loob ng dating US naval base na ngayon ay Subic freeport.
Ayon kay Jake Silo, tagapagsalita ng Action for Consumerism and Transparency for Nation Building (ACTION), na sila ay nag-aalala sa mga asbestos at iba pang hazardous materials tulad ng polychlorinated biphenyls (PCBs), ay hindi umano nahahawakan nang maayos sa ginagawang pagtatapon ng Bonapor Metal Contractor Services and General Merchandise, ang kumpanya na nakakuha ng kontrata ng SBMA na magdemolis ng power plant na ginamit ng mga Amerikano at pag-salvage ng mga scrap metal sa nasabing pasilidad.
Ayon pa kay Silo, noong Agosto 5 ay naharang ng mga BOC Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang trak ng Bonapor na umano ay naglalabas ng mga Freeport scrap materials mula sa daÂting Subic Power Plant na umano ay hindi nagbayad ng mga buwis at iba pang bayarin.
Ang Bonapor, ay pag-aari ng isang Bonifacio Aporo, na dating pulis ng Western Police District (ngayon ay Manila Police District) ay kasalukuyang iniimbestigahan ng CIIS-Subic Collection District.
Ayon pa sa ACTION na dapat ay suriin ng SBMA at BOC kung nagbabayad ang kumpanya ng mga kinakailangan lisensiya sa paghawak ng hazardous at mga delikadong kemikal at kung paano ang ginagawa nilang pagtatapon.
Hiniling din ng grupo sa CIIS na suriin mabuti ang laman ng mga nakumpiskang trak noong Agosto 5 kung mayroon doon na asbestos na isang delikadong kemikal.
- Latest