^

Police Metro

17 senador ok sa pagsuspindeng SK elections

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Payag ang may 17 senador na suspendihin  ang SK elections sa Oktubre at ituloy na lamang ito sa 2016.

Ito ang sinabi ni Se­nate President Franklin Drilon sa weekly forum sa Annabels QC at anya ay minamadali na nila sa senado ang pagpasa sa Senate Bill No. 1186 na nagpapaliban sa naturang halalan.

Pabor din siya sa pahayag ni Senador Ferdinand Marcos Jr. na huwag payagan ang mga incumbent SK officials na manatili sa puwesto hanggang  2016 dahil pagda­ting ng taong ito ay mataas na sa 17-anyos ang mga ito o overage na sa nabanggit na taon.

Ang SK officials ay may edad 15 anyos hanggang 17 anyos lamang.

Nakapasa na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang panukalang ipagpa­liban ang SK elections ngayong taon.

ANNABELS

DRILON

NAKAPASA

OKTUBRE

PABOR

PAYAG

SENADOR FERDINAND MARCOS JR.

SENATE BILL NO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with