Ginawang asawa, pinagpapalimos…dalaga kinidnap ng ka-textmate

MANILA, Philippines - Naging kalbaryo ang buhay ng isang 21-anyos na dala­ga sa pakikipag-eyeball sa kanyang ka-textmate matapos siyang kidnapin nito at ginawang asawa ng halos tatlong buwan sa Sampaloc, Maynila.

Ang biktima na natagpuang nanglilimahid ang katawan at nanghihingi ng pagkain sa mga residente ay itinago sa panga­lang “Isang”, residente ng Caliraya, Quezon.

Ang suspek ay nakila­lang si Milbert Roxas, 41, ng Sampaloc, Maynila ay dinakip ng mga pulis at kinasuhan ng kidnapping.

Batay sa imbestigas­yon, halos tatlong buwan na nawala ang bik­tima matapos itong makipagkita kay Roxas na kanyang ka-textmate at nabola ito sa mga ipinapadalang message sa cell phone kaya’t nang magkita ay hindi na ito pinakawalan at ginawang asawa.

Bagama’t nais na ng biktima na makatakas sa suspek ay hindi nito magawa dahil nasira ang kanyang cell phone kaya’t hindi niya makontak ng mga kaanak.

Maging ang cell phone ng suspek ay pinaba­baya­ran sa biktima ng P3,000 dahil ito umano ang nakawala.

Pinagbabantaan pa umano ng suspek na pa­­pa­­tayin ang da­laga kung iiwan
siya nito hang­gang sa tumagal silang magkasa­ma ng walang pera at ma­malimos na lamang.

Kamakalawa nang mamataan ang biktima at suspek ng mga residente ng San Antonio St., San Andres, Malate, Maynila na nanghihingi ng makakain bandang alas-12:00 ng tanghali, kaya’t ini-report kay Chairman Renato Mendoza ng Barangay 723, Zone 79.

Pinagdudahan ng mga tagaroon ang presensiya ng dalawa kaya’t ipinahuli sa barangay bago dinala sa himpilan ng pulisya.

Nang beripikahin, lumitaw na ang dalaga ay matagal nang naka-blotter
sa MPD-Headquarterrs sa Children and Women Protection Investigation
Section na nawawala.

Ikinatuwa naman ng mga magulang ng dalaga ang kanilang pagki­kita kahit naglilimahid o madu­ngis ang hitsura at damit ng anak, na tulala na rindahil sa gutom.

Show comments