Napoles, 5 senador, 23 solons kinasuhan ng plunder

MANILA, Philippines - Inunahan ng grupong Citizen Crime Watch sa pangunguna nina Atty. Jose Malvar Villegas at Carlo Batalla ang Department of Justice sa pagsasampa ng kasong plunder sa Ombudsman laban kay Janet Lim Napoles at limang senador kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.

Isinaad sa anim na pahinang reklamo ang limang senador kabilang sina dating Senate President Juan Ponce Enrile, Ramong “Bong” Revilla, Jinggoy Estrada, Ferdinand Marcos Jr., Gregorio Honasan at 23 na dati at kasalukuyang solons.

Naging basehan ang pagsasampa ng kaso ng grupo dahil sa serye ng mga ulat sa pahayagan tungkol sa pork barrel scam.

Show comments