Ex-PNP Chief Razon nag-plea ng not guilty

MANILA, Philippines - Not guilty.

Ito ang inihain sa Sandiganbayan 4th Division ni dating Philippine Na­tional Police (PNP) Chief Avelino Razon kaugnay sa umano’y maanomal­yang repair sa 18 V-150 light armored ve­hicles na nagkakahalaga ng P400 milyon.

Bukod kay Razon, kasama rin niya sa naghain ang kapwa-akusadong sina dating Police Directors Geary Barias at Eliseo dela Paz sa arraignment sa Sandiganbayan Fourth Division.

Si Razon kasama ang iba pang akusado ay nakapiit sa PNP detention facility sa Camp Crame matapos silang sumuko noong August 28.

Kasama ni Razon ang 32 iba pang akusado kabilang ang ilang non-commi­sioned personnel at iba pang pribadong indibidual mula sa mga kumpanyang naka-transaksyon ng PNP.

Itinakda ang pre-trial sa Oktubre 14.

 

Show comments