Taxi operator na binasahan ng Bibliya ang driver, sinaksak

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ng isang taxi driver ang kanyang operator matapos na mairita ito sa pa­mimilit na makinig siya ng Salita ng Diyos  naganap kahapon sa Valenzuela City.

Nasa kritikal na kon­disyon sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa katawan  ang biktimang si Virgilio Delamines, 71 ng San Miguel St., Barangay Balubaran ng  lungsod.

Ang suspek na naka­kulong na ay nakilalang si Benjamin Hernandez Jr., 56 ng Novaliches, Quezon City.

Batay sa ulat dakong  alas-7:30 ng umaga sa bahay ng biktima sa San Miguel St., Barangay Balubaran ay nasa kanilang garahe ng taxi sa bahay ng biktima ang suspek kung saan binabasahan sila ng Bibliya ni De­lamines.

Tinangkang umiwas ang suspek, subalit napansin siya ng biktima at sinita na nauwi sa pag­tatalo hanggang sa bumunot ng patalim ang una at inundayan ng saksak ang huli.

 

Show comments