2 pulis dinakip sa shabu bust

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tropa ng anti-narcotics agents ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang aktibong pulis sa ginawang buy-bust operation sa General Santos City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina PO3 Fernando U. Alim, 49, may-asawa, ng Barangay Pag-asa, Kalamansig, Sultan Kudarat; at PO1 Kadil O. Masahod, 34, may-asawa ng Barangay Malisbong, Palimbang, Sultan Kudarat at pawang aktibong miyembro ng Sultan Kudarat Provincial Police Office.

Naaresto ng PDEA Regional Office 12 (PDEA RO 12) ang dalawang pulis matapos na magbenta ang mga ito ng shabu, na nakalagay sa isang plastic sachet sa isang PDEA agent na umaktong poseur-buyer sa may Salvane Road, Barangay City Heights, General Santos City.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa isang gramo ng shabu, isang kalibre.45 pistola na may limang bala, isang holster, dalawang cellular phones, iba’t ibang piraso ng drug paraphernalia, at isang P500 bill na ginamit na buy-bust money.

Show comments