Dating pulis tinodas

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng mga hindi pa nakilalang suspek ang isang retiradong miyembro ng PNP sa naganap na ambush kamakalawa sa Brgy. Mabaca, Balbalan, Kalinga.

Namatay noon din ang biktima na si Jaime Siba-yan, 56-anyos, dating aktibong kasapi ng PNP at residente ng Brgy. Bulanao, Tabuk City ng lalawigan dahil sa apat na tama ng bala  sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat, bandang alas-8:00 ng umaga ay naglalakad ang biktima kasama ang isang Isidro Banggawan, empleyado ng DENR  sa Sitio Balala, Brgy. Mabaca, Balbalan nang harangin ng mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril.

Mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon ang mga suspek at hindi ginalaw si Banggawan.

Show comments