MANILA, Philippines - Nagpalabas ng bagong direktiba si Bureau of Immigration (BI) OIC Commissioner Siegfred Mison na nagbabawal sa paggamit ng cell phone sa oras ng trabaho ang lahat ng immigration personnels sa Ninoy Aquino International Airport at sa iba pang paliparan sa bansa.
Dapat anyang ideposito ng mga empleyado ang kanilang cell phones sa locker o pansamantalang iwanan sa kanilang supervisor.
Partikular na sakop ng kautusan ang lahat ng immigration officers na naka-talaga sa arrival at departure counters na siyang araw-araw na humaharap sa libu-libong mga pasahero.
Kabilang din sa kautusan ang mga team leaders ng Travel Control and Enforcement Unit, maging mga acting immigration officers at confidential agents na nakatalaga sa Filipino counters.
Sa oras naman ng emergency ay maaaring makigamit ng cell phone ang empleyado sa kaniyang supervisors.
Kasunod ito ng insi-dente na nakunan sa CCTV ang ilang tiwaling empleÂyado na nakipagsabwatan para makaalis o makapasok sa bansa ang blacklisted foreigner at mga biktima ng human trafficking at mga pugante sa pamamagitan ng paggamit ng cell phone.