MANILA, Philippines - Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang 53-anyos na lalaki na umano ay police asset ng pulisya matapos na barilin ng mga miyembro ng drug syndicate kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Ang nasawi dahil sa tinamong tama ng bala sa likod at braso ay kinilalang si Sydney Binas, ng Calatagan St., Makati City.
Pinaghananap naman ang mga itinuturong suspek na sina Reynaldo Arviso, 27, alyas “Junjun BiÂsugo†at isang alyas Bong.
Batay sa ulat, dakong alas-9:50 ng gabi nang maispatan ni Binas si Arviso sa may IPI Buendia Tower sa Gil Puyat AveÂnue, ng naturang lungsod at ibinulong sa kasamang si Michael Roxas, 43-anÂyos, na kilalang tulak ng iligal na droga si Arviso na kanilang sinundan hanggang sa sumakay ito ng kotse na may plakang XPD-196 kasama ang isang lalaki at babae.
Makaraan ang ilang saglit, sumulpot ang isang lalaki at pinagbabaril si Binas na nagawa pang maÂÂkapasok sa loob ng gusali.
Bago pa maisugod ni Roxas sa pagamutan ang kaibigan, sinabi umano nito sa kanya na kilala niya sa alyas na “Bong†na residente ng M. Dela Cruz St., Pasay, ang bumaril sa kanya at kasamahan ni Arviso sa pagbebenta ng ilegal na droga.