Mag-ina todas, manugang kritikal sa pamamaril

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang mag-ina habang sugatan ang manugang nitong babae matapos na ratratin ng isang lalaki ang kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Barangay Dela Paz, Cogeo, Antipolo City, Rizal.

Namatay noon din ang mag-inang Leticia Astejada, 66 at anak nitong si Pedro, 25 habang malubhang nasugatan ang misis ni Pedro na si Cecille, 23.

Batay sa ulat, sa pagitan ng alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng gabi ay papa­tulog na ang mga biktima nang bigla na lang duma­ting ang suspek na nakilala sa alyas Jack sa kanilang bahay na matatagpuan sa Purok Silangan ng nasabing barangay at walang sabi-sabi pinagbabaril ang mga biktima.

Nang masigurong patay na ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso at kung ano ang motibo ng suspek bakit pinatay ang mga biktima.

Show comments