^

Police Metro

Away sa tupada: 2 todas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines- Kapwa nasawi ang isang dating pulis at nakaaway nito sa isang tupada nang sila ay magduwelo kamakalawa sa Tondo, May­nila.

Namatay noon din si dating SPO2 Roberto Paulino, 56 ng no. 74 San Miguel Road, Delpan St., Binondo habang binawian naman ng buhay sa Mary Johnston Hospital si Julieto Oliver, 41, ng 565 Area-A Gate 2 Parola Compound, Tondo.

Batay sa ulat, 4:30 ng hapon nang humantong sa pagtatalo ang  pambabatok ni Paulino kay Oliver sa kasagsagan ng tupada sa Area-A, Parola Compound sa Tondo. Agad bumunot ng kalibre 45 baril si Oliver at binaril sa kanang binti si Paulino.

Binunot naman ni Paulino ang kalibre 38, baril gumanti ng putok  si Paulino  subalit pumalya ito.

Kaya’t pinaputukan nang sunud-sunod  ni Oliver si Paulino sa ulo at iba pang bahagi ng katawan nang bigla na lamang na may bumaril kay Oliver.

Namatay noon di si Paulino habang namatay sa ospital si Oliver na kung saan ay hindi alam kung sino ang bumaril sa kanya.

 

vuukle comment

AREA-A GATE

DELPAN ST.

JULIETO OLIVER

MARY JOHNSTON HOSPITAL

NAMATAY

PAROLA COMPOUND

PAULINO

ROBERTO PAULINO

SAN MIGUEL ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with