MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hangÂgang sa maÂpatay ang magkaibigang bebot makaraang silang pasukin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng isang kuwarto sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Ang dalawang biktima ay kinilalang sina Susan Palermo, 41, ng #79 N. Zuzuaregue St., Brgy. Old Balara, sa lungsod at Annaliza Mae Eliadora, 29, tubong Brgy. Lipit, Cabugao, Ilocos Sur.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Cristituto ZaldaÂriaga, may hawak ng kaso, nabatid na dakong alas-6:00 ng umaga ng matagpuan ang duguang bangkay ng magkaibigan sa kuwartong tinutuluÂyang ni Susan.
Ayon kay Fe Rabago, nasa loob siya ng kanyang bahay nang makarinig siya ng mga kalabog at ingay mula sa bahay ni Susan na katabi lamang nila.
Sanabi ni Rabago, binalewala niya ang nasabing ingay dahil madalas naman umanong nangyayari ang mga kalabugan sa bahay ni Susan dahil sa pag-aaway ng live-in partner nito.
Kinabukasan, ganap na alas-6:00 umaga nang maÂgising si Rabago at tinanong ang ilang kapitÂbahay hinggil sa nasaÂbing ingay pero walang maÂkaÂpagsabi kung anong nangyari, kung kaya napilitan silang kumatok sa bahay ni Susan at nang walang nagbubukas ng pintuan ay saka sapiÂlitang binuksan at doon tumambad sa kanila ang kapwa duguang bangkay ng magkaibigan.
Agad na ipinagbigay alam sa pulisya ang kaÂÂnilang nakita na siyang nagsagawa ng imbestigasyon kung saan ay naÂkita na nagtamo ng maÂraming tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang magkaibigan.
Isang kaanak ni Susan ang nagsabing bago maganap ang insidente ay nag-away umano si Susan at live-in partner nito na si Alex Migoria dahil sa pagiging seloso nito.
Matapos ang away ay lumayas si Alex kaya tinawagan ni Susan ang kanyang kaibigan para damayan siya at nag-inuman hanggang makita ang dalawa ng wala ng buhay.
Inaalam ngayon ng pulisya kung muling bumalik ng bahay si Alex at kung may kinalaman siya sa pagpatay sa magkaibigan. – May dagdag na ulat si Jam Krisette Nuñez–