MANILA, Philippines - Hindi na yata nakayanan ng isang magsyota ang init ng katawan na kanilang nararamdaman, matapos na mahuli ang mga ito na nagtatalik sa loob ng Sports Utility Vehicle, sa Pasay City, kamakalawa ng umaga.
Ang suspect na si Richer Herrera, 37, residente ng No. 16 San Andres, Bukid, Sta. Ana, Maynila, ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti Child abuse law. Ayon sa report ng Pasay City Police-Women and Children’s Protection Desk, alas-5:30 ng umaga ng dakipin ng mga tauhan ng Police Community Precinct 1 si Herrera at ang hindi pinaÂngalanang dalagita sa loob ng kanyang sasakyan habang nakaparada sa Atang Dela Rama st., sa Cultural Center of the Philippines Complex.
Unang nagsumbong ang ilang concerned citizen sa pulisya na nakakita sa magdyowa na nagtatalik sa loob ng SUV. Gayunman, ipinagtapat ni Herrera na isang bayarang babae ang 17-anyos na katalik nito at na-pick-up lang niya ito sa Sta. Cruz, Maynila.
Ikinulong sa Pasay City detention cell ang suspect habang ibinigay naman sa Department of Social Welfare and Development ang dalagita para sa kustodiya nito.