MANILA, Philippines - Pinagbabaril habang nakaupo sa harap ng bahay ang isang 24-anyos na lalaki na miyembro ng Bahala na Gang kamakalalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Jejomar Legarejo, ng 401-B Interior 32 Perlas
St., Tondo na umano ay suspek sa pagbaril at pagpatay kay PO1 Jessie Boy U. Lorenzo, dating nakatalaga sa RPSB Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, noong Marso 20, 2013, sa Chesa St., Tondo.
Batay sa ulat, dakong alas-8:50 ng gabi ay nakaupo ang biktima sa harapan ng bahay niya nang sumulpot ang dalawang lalaki at agad na pinagbabaril ito.
Mabilis na tumakas ang dalawang lalaki sakay ng isang Honda Wave 100 (NH-3606) na kanilang inagaw.