^

Police Metro

Boracay West Cove. ‘di lumabag sa ‘25+5 meterS rule’

Pang-masa

MANILA, Philippines -Nanawagan ang Boracay West Cove management sa Boracay Island, Malay, Aklan sa publiko na balewa­lain ang mali, malisyoso at madayang ulat na wala itong kaukulang environmental clearance mula sa gobyerno at pamahalaang lokal.

Nakatakdang ipatupad ng munisipyo ng Malay ang malawakang pagbuwag sa mahigit 300 establisimi­yento sa pamosong white-sand beach ng Boracay na lumabag sa ipinatutupad ng pamahalaang lokal at ng DENR na ‘25+5-meters Rule’ o ang 30 metro pagitan mula sa dalampasigan.

Nilinaw ni Boracay West Cove CEO Cris Aquino na lahat ng estruktura at pagpapaunlad sa establismyento  ay itinayo batay sa Forest Land Use Agreement for Tourism Purposes (FLAG-T) na inisyu ng  Department of Environment and Natural Resources base sa L.C. Map No. 36-42 sa bisa ng Proclamation No. 1064 na inisyu noong Disyembre. 23, 2009 at may bisa sa loob ng 25 taon.

“Biktima kami ng trial by publicity dito. Labas ang West Cove sa 25+5 meter Rule dahil wala naman ka­ming shoreline. Ang cabanas, pathwalks at iba pang imprastruktura ay itinayo namin sa bangin,” paglilinaw ni Aquino. “Bakit kami pine­personal ng isang popular na broadcaster? Sino po ba ang nasa likod ng paninira sa West Cove na pinaghirapan naming pagandahin upang maihanay sa mga ipinagmamalaki nating world-class resorts na El Nido at Dos Palmas Resorts sa Puerto Princesa, Palawan?”

Idiniin ni Aquino na buo ang suporta ng West Cove sa utos ni Presidente Noynoy Aquino sa pagbubuo ng Task Force upang mapabilis ang “Master Development Plan” para sa Boracay na pinamumunuan ng mga ahensiya ng gobyerno, NGOs, environmental groups at iba pang stakeholders.

 

AQUINO

BORACAY

BORACAY ISLAND

BORACAY WEST COVE

CRIS AQUINO

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DOS PALMAS RESORTS

EL NIDO

WEST COVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with