^

Police Metro

Pinay na nakalbo sa sabunot ng amo, binayaran ng P2-M

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines -Tumanggap ng P2 milyong piso ang isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) na dumanas ng matinding pagmamaltrato, pananakit at pagkalbo sa kanya ng among Kuwaiti.

Nasa pangangalaga ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang Pinay na si Rahima Panayaman, 24, tubong Cotabato matapos na dumating sa bansa kamakalawa mula Kuwait.

Nabatid na nakakulong sa Kuwait ang kanyang employer makaraang ireklamo ni Panayaman sa Kuwaiti authorities sa tulong ng kanyang local at foreign employment agencies at PH labor officers sa Kuwait.

Bakas pa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni Pa­nayaman ang ginawang pagmamaltrato sa kanya at naka-peluka na lamang siya dahil naubos ang kanyang buhok sa halos araw-araw na pagsabunot at panggugulpi ng amo.

Bukod, dito, inuuntog din umano si Panayaman sa pader, binubuhusan ng kumukulong tubig at saka ikinakandado at ikinukulong ng amo. Hindi rin umano siya pinasuwelduhan at pinakakain ng maayos sa loob ng apat na buwang pagtatrabaho sa amo.

Nabatid na nagtungo sa Kuwait ang OFW noong Marso 29, 2013 at nagtrabaho sa unang employer subalit isinaoli siya sa agency. Inihanap siya ng panibagong employer at  dito na siya dumanas ng kalbaryo.

 

BUKOD

COTABATO

INIHANAP

KUWAITI

NABATID

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PANAYAMAN

PINAY

RAHIMA PANAYAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with