Pagbuwag sa ‘pork’ nasa kamay ng lawmakers

MANILA, Philippines -Wala sa kamay ni Pa­ngulong Benigno Aquino III ang pagbuwag sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o ang ‘pork’ barrel at burahin sa budget  kundi ito ay  nasa kamay mismo ng mga mambabatas.

Ayon kay dating Albay Rep. Edcel Lagman na naging chairman ng House Appropriations Committee, ang alokasyon ng PDAF ay kasamang na­giging batas ng General Appropriations Act (GAA) kapag pinagtibay na ito ng mga kongresista at mga senador.

Tanging ang Malakanyang lamang umano ang nagsasama ng PDAF sa budget na isinusumite sa Kamara kada taon at kahit pa bawiin ng pangulo ang alokasyon ng PDAF sa ilalim ng budget ay kaya pa din itong ibalik ng mga mambabatas kung tala­gang ayaw itong alisin.

Maaari naman uma­nong i-veto ng pangulo ang PDAF kahit pa pag­tibayin ito ng mga mamba­batas, subalit mas mabuti na umano kung ang mga kongresista at senador na ang magkusa na alisin ito para wala na rin ibi-veto ang Pangulong Aquino.

 

Show comments