MANILA, Philippines - Nanganganib umano sa flashfloods at landslides ang Eastern Mindanao dulot ng bagong Low Pressure Area (LPA) na pumasok na sa ‘area of responsibility’ ng bansa na inihayag ng PAGASA.
Ito ang naging babala ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario kaya’t pinag-iingat ang mga residente dito.
Maging ang Eastern Visayas at iba pang lugar sa Mindanao ay magkakaroon rin ng kalat-kalat na mga pag-ulan at mga pagkulog.
Samanatala, inihayag naman ni Del Rosario na lumobo na sa 20 ang nasawi sa flashflood sa malalakas na pagbuhos ng ulan na dulot ng habagat at Maring mula sa Regions I, III, IV-A, IV B, Cordillera AdmiÂnistrative Region at National Capital Region (NCR).
Habang umabot naman sa 402,415 pamilya o kabuuang 1,928,685 katao ang naapektuhan ng delubyo ng mga pagbaha at sa kabuuang bilang nasa 45,766 pamilya na lamang na binubuo ng 200,060 katao ang nananatili sa may 675 evacuation centers matapos na magsiuwi na ang iba sa mga ito ng magsimulang humupa ang baha sa mga apektadong lugar.
Tumaas na sa P97,297,506.51 M ang pinsala ng bagyo kabilang dito ang P 74,809,751.05 sa imprastraktura at P22,487,725.46M naman sa agrikultura.