MANILA, Philippines - Umabot na sa 75 bangkay sa salÂpukan ng dalawang barko sa Cebu matapos na apat ang nakuha kahapon kabilang ang isang putol na ang ibabang bahagi na hinihinalang pinapak na ng mga isda ang narekober ng search and rescue team mula sa lumubog na barkong MV St. Thomas Aquinas 1 sa karagatan ng Talisay City, Cebu noong Agosto 16 ng gabi at 45 na lamang ang nawawala.
Sinabi ni Lt. Commander Noel Escalona, OperaÂtions Officer ng Naval Forces Central tatlo pang bangkay ang narekober ng mga technical divers mula sa loob ng lumubog na barko at ang ikaapat na bangkay ay wala na ang ibabang bahagi na natagpuan naman sa karagatan ng Cordova.
Naniniwala naman si Escalona na 45 pa sa nawaÂwalang mga pasahero at crew na na-trap sa loob ng naÂtuÂrang barko.
Nabatid na dalawang diving operations ang isinagawa ng mga divers ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard bago inihinto ang operasyon dakong alas-4:00 ng hapon na magpapatuloy ngayong araw.