Dalaga na-rape/slay pag-kagaling sa computer shop

MANILA, Philippines -Pinaniniwalaan ng mga otoridad na ginahasa muna bago pinatay ang isang 18-anyos na dalaga ha­bang sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan nang ang bangkay nito ay natagpuan kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ang biktima ay kinila­lang si Vicky Ramos, stay­-in helper sa isang pa­milya sa Golden Shower St., Barangay Payatas B, Quezon City.

Natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-12:10 ng madaling-araw sa tabi ng isang nakaparadang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng Payatas Road malapit sa panulukan ng Golden St.

Ang biktima ay nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng  katawan matapos makita sa tabi ng bangkay nito ang isang kitchen knife.

Ang biktima ay natag­puang nakabukaka  habang nakasuot lamang ng t-shirt habang ang short at panty nito ay tinanggal.

Nabatid na bago natag­puang patay ang biktima ay may nakakita dito na hi­nahatak ng isang lalaki nasa pagitan ng 30-anyos sa kahabaan ng kalsada habang bumubuhos ang malakas na ulan.

Inakala ng testigo na away mag-asawa lamang, pero ilang minuto ang lu­mipas ay nakarinig na lang umano siya ng sigaw ng pag­hingi ng tulong na si­yang agad nilang tinignan, ngunit tanging ang walang buhay na katawan ng bik­tima ang kanilang nakita.

Nabatid pa na nagbantay ang biktima ng tindahan ng kanyang amo kasama ang isa pang babaeng helper din at nang maisara ang tindahan ay nagpaalam ito sa kasama na magpupunta sa malapit na computer shop.

Ilang saglit lang sa computer shop ang biktima at nasa harap na ng bahay ng amo nang hatakin siya ng suspek.

Show comments