Higit 800 pamilya sa MM inilikas
MANILA, Philippines - Inilikas ng pamunuan ng Metropolitan Manila Develpement Authority (MMDA) ang mahigit 800 pamilya sa mga evacuation areas dahil sa pagbabaha sa mga lungsod ng Maynila, Quezon City, Makati, Mandaluyong, San Juan, Marikina at Pasay.
Sa nakalap na impormasyon ng MMDA, nasa 436 pamilya ang inilikas sa mga Barangay Concepcion, Malanday at Nangka sa Marikina; 68 pamilya sa Baseco, Tondo, Maynila; 65 sa Quezon City; 80 pamilya sa mga Barangay Bangkal, Mabini, at Rizal sa Makati; 125 pamilya sa Barangay Addition Hills, Daang Bakal, Mabini at Poblacion sa Mandaluyong, 58 pamilya sa Barangay Salapan, Kabayanan, at Balong Bato sa San Juan.
Nasa 84 pamilya sa 10 barangay sa Pasay City na ang karamihan ay naninirahan sa Maricaban creek at Tripa de Galina ang pinalikas sa iba’t ibang evacuation centers sa lungsod tulad ng mga “gymnasium, day care centers, at mga barangay halls.
- Latest