^

Police Metro

Hapones inativan ng kababayan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Japanese national ang naghain ng reklamo laban sa kanyang kababayan na gumamit umano ng ‘ativan’ habang sila ay kumakain sa isang restaurant para tanga­yan siya ng 300,000 Japanese Yen, sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa biktimang si Tadonari Oka, 79, binata, negosyante at pansamantalang nanunuluyan sa Boulevard Mansion sa #1440 Roxas Blvd., Ermita, Maynila sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) nakita niya na kinuha ng kanyang kapwa Japanese national na si Tetsuro Honma, 57, may-asawa, nanunuluyan din sa nasabing mansion house, ang kaniyang 300,000 Japanese Yen.

Sa reklamo ni Oka kay PO2 Dennis Suba, dakong ala-1:10 ng hapon noong Sabado nang kumain sila ng suspek sa restaurant na nasa ibaba ng kanilang tinutuluyang Boulevard Mansion. Habang kumakain ay nakaramdam umano ng paghilo ang biktima matapos siyang uminom ng tubig hanggang sa magpahatid na ito sa kanyang silid.

Nang ihatid siya ng suspek sa silid, kahit hilong-hilo at inaantok ay nakikita pa umano niya na kinukuha ng suspek ang kaniyang pera at bago siya iwan ay nagsalita ito sa kanilang lengguwahe na salitang “Ano buhay ka pa?.”

Dahil sa reklamo kaya agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad pero nakalabas na ng bansa ang suspek pabalik ng Japan.

BOULEVARD MANSION

DENNIS SUBA

ERMITA

ISANG JAPANESE

JAPANESE YEN

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

MAYNILA

ROXAS BLVD

TADONARI OKA

TETSURO HONMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with