^

Police Metro

Piskal at abogado inaresto

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ang isang piskal at isang abogado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil umano sa panunuhol ng P200,000 sa isang pulis upang umurong sa pagtestigo sa korte sa mga  kasong murder, illegal possession of firearms at illegal drugs ng dalawang akusado.

Ang dalawang inaresto ay kinilalang sina Deputy prosecutor Roselyn Murillo Mamon ng Zamboanga City at Atty. Pherham Surian Saiddi.

Nadakip ang dalawa sa isinagawang operasyon noong Huwebes sa Room 105 ng Zamboanga Hall of Justice kaugnay sa reklamo ni PO3  Flavio Enriquez Jr.

Unang naghain ng reklamo sa Presidential Anti-Organized Crime Commission si Enriquez bago ipinasa sa NBI .

Sinabi ni Enriquez, hinimok siya ng dalawang suspek na huwag nang dumalo sa pagdinig sa korte ng mga kasong kinakaharap nina PO2 Pon Mohammad Mansul at Margani Samlaa sa Zamboanga Regional Trial Court, Branch 14.

ENRIQUEZ

FLAVIO ENRIQUEZ JR.

MARGANI SAMLAA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHERHAM SURIAN SAIDDI

PON MOHAMMAD MANSUL

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME COMMISSION

ROSELYN MURILLO MAMON

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA HALL OF JUSTICE

ZAMBOANGA REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with