MANILA, Philippnes - Dahil malapit ng mapuno sa itinakdang spilling levels, kaya nagpakawala ng tubig ang tatlong dam sa Luzon kahapon ng umaga.
Sinabi ni Richard Orendain, Hydrologist of Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong alas-6:00 ng umaga, ang lebel ng tubig sa Ambuklao dam ay sumapit na sa 750.91 meters ang lebel ng tubig. Ang Binga dams ay tumaas na sa 573.67. Samantalang ang San Roque dam ay nasa 251.01 meter na ang tubig.
Ayon kay Orindain, apat na gate ang binuksan sa Ambuklao dam at nagpakawala ng tubig na may sukat na 3.5 meters, habang sa Binga dam ay binuksan din ang apat na gate at nagpakawala ng apat na meters na tubig.
Ani Orendain, isang gate sa Magat dam sa Isabela ang nanatiling nakabukas sa isang metro dahil ang lebel ng tubig nito ay umaÂbot na sa 191.74 meters.
Inihayag ni Orendain na ang pagpapakawala nila ng tubig sa 3 dam ay bunsod na rin ng patuloy na pagbuhos ng malalakas na pag-ulan na hatid ng bagyong Maring.
Samantala, ang water lebel naman sa La Mesa Dam sa Novaliches, Quezon City ay nasa 79.10 meters na sinasabing nasa operational level at elebasyon ng tubig nito ay normal pa kaya hindi pa nagpapakawala ng tubig.
“Ginagamit naman natin yun tubig sa La Mesa dam kaya nasa normal kahit nag-uulan sa Metro Manila,†pahayag pa ni Orendain.