MANILA, Philippines - Isang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan sa Taguig City, kahapon ng madaÂling araw.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima at tinatayang nasa edad na 30-35 gulang, nakasuot ng kulay pulang sando at navy blue short pants, katamtaman ang pangangatawan.
Base sa report ng TaÂguig City Police, dakong alas-3:20 ng madaling araw, nakatanggap ng ulat ang barangay security force ng Barangay NaÂpinda na isang bangkay ng lalaki ang natagpuan ng mga residente sa Purok 5 Extension, Labao St., ng naturang barangay.
Kaagad na nagresÂponde ang mga kagawad ng Taguig City Police sa naturang lugar at doon nga nakita ang biktima na tadtad ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
May mga pasa at galos din sa katawan ang biktima na indikasyong pinahirapan muna bago tuluyang pinaslang.