3 utas sa barilan sa Laguna

MANILA, Philippines - Agad na nabigyan ng hustisya ang lala­king binaril at napatay matapos napatay ng mga rumespondeng dalawang pulis ang dalawang suspek kahapon ng hapon sa Biñan City, Laguna.

Ang binaril at napatay ng mga suspek ay kinilalang si Jun Asero, residente sa lungsod habang ang dalawang killer nito ay patuloy namang inaalam ang pagkaka­kilanlan.

Batay sa ulat, naganap ang krimen sa Brgy. Canlalay, Biñan City bandang ala-1:20 ng hapon nang pagbabarilin ng tatlong suspek si Asero habang ito ay nakatayo sa nasabing lugar.

Nagkataon naman na naroon sa lugar ang dalawang  pulis na tinukoy lamang sa mga apelyidong PO3 Zapata  ng NCRPO at PO1 Villar ng Biñan City Police na mabilis na nagresponde sa pamamaril.

Hinabol ng mga ito ang  tatlong suspek hanggang sa nauwi sa barilan sa pagitan ng mga ito na ikinasawi ng dalawa sa mga suspek.

Nagawang makatakas ng isang kasamahan ng sumakay sa motorsiklo sa pagtakas.

Show comments