MANILA, Philippines - Inihayag ng SagittaÂrius Mines, Inc. (SMI) na lalandas ito sa bagong tunguhin kaugnay ng Tampakan Copper-Gold Project (TCGP) bilang bahagi ng pagsisikap na mailagay ang partikular na tuon sa mga pangunahing hamong kinakaharap ng proyekto.
Ayon kay SMI Executive Vice-President Justin Hillier, matapos bigyan ng konsiderasyon ang mga opsiyong iprinisinta ng SMI management, inendorso ng mga shareholder ang bagong tunguhin kaugnay ng TCGP na may binagong pagtutuon sa pagpapataas ng kolaborasyon sa katuwang na pambansang gobyerno at iba pang kasangkot para maresolba ang mga hamon na kinakaharap ng proyekto.
Idinagdag niya na kiÂnailangan ang bagong tuÂnguhin kaugnay ng proÂyekto upang mabigyan ito ng oportunidad na magkaroon ng progreso sa raÂsonableng balangkas ng panahon.
Nangako si Hillier na patuloy na susuportahan ang komunidad ng mga kaÂtutubo sa mga ipinangaÂkong programang pangÂkaunlaran.