Napoles may backer na ‘big fish’

MANILA, Philippine s- May malaki umanong tao ang nasa likod ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles dahil sa imposibleng magawa nitong mag-isa ang pag-angkin sa P10 bilyon pork barrel ng mga mambabatas.

Ito ang paniniwala ni Puerto Princesa Bishop Pedro Arigo na may mas malaki pa o mas makapangyarihan sa pamahalaan ang nasa likod ng kontrobersiya partikular na ang paglustay sa pondong mula sa Malampaya fund na dapat sana ay pinakinabangan ng mga residente ng Palawan at hindi napunta sa bulsa ni ginang Napoles at mga opisyal na kasabwat sa anomalya.

Samantala, nabigong maaresto ng ilang grupo ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) si  Napoles at kapatid na si Reynald “Jojo” Lim sa kasong serious illegal detention na isinampa laban sa kanila ni Benhur Luy noong Disyembre 2012.

Nabatid kay NBI Director Nonnatus Rojas na ang magkapatid ay hindi natagpuan sa mga address nito sa Muntinlupa, Ayala, Makati, Ta­guig at iba pa, subalit nasa bansa pa rin ang magka­patid dahil na rin sa
umiiral na bulletin watch sa Bureau of Immigration (BI).

Show comments