MANILA, Philippines - Napatay ng mga otoridad ang apat na lalaki na hinihinalang miyembro ng gun for hire gang nang makasagupa ang elite forÂces ng Philippine National Police (PNP) kaÂhapon sa Brgy. Centro Northwest, Solana, CagaÂyan.
Batay sa ulat ni Cagayan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Gregorio Lim, dakong ala-1:45 ng hapon ay nagsagawa ng operasyon sa lugar ang pinagsanib na elemento ng 24th Special Action Company (SAC), 2nd Special Action Battalion (SAB) at 85 SAC matapos na makatanggap ng impormasyon sa presensya ng mga armadong kalalakihan.
Pagdating sa lugar ay agad pinagbabaril ng mga suspek ang mga elemento ng pulisya na nauwi sa bakbakan.
Tumagal ang bakbaÂkan ng mahigit limang minuto na ikinasawi ng apat na suspek na patuloy pang inaÂÂalam ang pagkakakilanÂlan.
Narekober sa lugar ang dalawang baby armaÂlite, dalawang garand rifle at dalawang cal 38 reÂvolvers.