Helper tinodas habang natutulog

MANILA, Philippines -Todas ang isang truck helper matapos na pagbabarilin ng dalawang lalaki habang natutulog sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nakila­lang si Jowey Bartolay, 23, truck helper at residente ng 6712 Silver St., Centennial I-A, Nagpayong, Barangay Pinagbuhatan.

Inaalam naman ng mga awtoridad ang pagkaka­kilanlan ng mga suspek na mabilis na nagsitakas, bitbit ang isang .45 kalibre ng baril na ginamit sa krimen.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rusthom Valdez, ng Pasig City Police, nabatid na dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang isagawa ng mga suspek ang pamamaril sa biktima habang natutulog ito sa Mulawin Extension, Centennial I-A, sa Nagpayong, Barangay Pinagbuhatan.

Ayon sa saksing si Raffy Esguerra, 24, ng Emerald St., natutulog na ang biktima nang lapitan ito ng dalawang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril.

Nang masigurong patay na ang biktima ay saka tu­makas ang mga suspek.

Show comments