Sanggol shoot sa butas nalunod sa dagat

MANILA, Philippines -Namatay sa pagkalunod ang isang 10 buwang gulang na sanggol na si Lyka Jane Payot matapos na ito ay mahulog sa butas na sahig ng kanilang bahay sa Sitio Longos Kanluran, Brgy. Zapote 5, Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Batay sa imbestigas­yon, ganap na alas-4:00 ng madaling-araw nang madiskubre ng ina ng biktima na si Abigail Soreda na wala na pala sa tabi niya ang kanyang baby.

Agad niya itong hina­nap at dito nakitang lumu­lutang na sa dagat ang na­sabing sanggol at wala nang buhay.

Malaki ang hinala ng pulisya na nagising ang sanggol at nakagapang ito hanggang sa mahulog sa butas ng nasabing bahay at tuloy-tuloy sa tubig dagat kung saan dito nakatirik ang bahay ng mga biktima.

Show comments