^

Police Metro

Lawmakers sa P10-B pork scam kakasuhan na

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -Sa mga susunod na linggo ay nakatakda nang sampahan ng Department of Justice ng kaso ang ilang mambabatas na sangkot sa 10-B pork barrel scam.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima na hindi muna isinawalat ang mga panga­lan ng mga mambabatas dahil sa hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation kung saan nakadetalye ang partisipasyon ng mga ito.

Inamin naman ni De Lima na matagal ang isi­na­sagawang imbestigas­yon ng NBI dahil na rin sa hinihimay pa ng mga im­bestigador ang mga ebidensya upang maging ma­linaw kung paano nakapagpalabas ng mala­king pondo mula sa Priority De­velopment Assistance Fund (PDAF) ng mga mam­ba­batas patungo naman sa mga non-existent projects ng pekeng non-governmental organizations.

Nilinaw naman nito na walang partisan sa im­bestigasyon ng NBI kung saan naging malinaw umano ang direktiba ni Pa­ngulong Noynoy Aquino na kapartido man o hindi basta sangkot sa scam ay dapat na mapanagot.

 

ASSISTANCE FUND

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NOYNOY AQUINO

PRIORITY DE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with