1 dedo, 48 nawawala kay ‘Labuyo’

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nata­bunan ng rumaragasang putik habang 48 iba pa ang nawawala matapos na manalasa ang bagyong Labuyo sa ilang bahagi ng Luzon.

Sa ulat ng National Di­saster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario, kinilala ang nasa­wing si Jomar Salicong, natabunan ng gumuhong putik sa Kilometer 14, Brgy. Kabuyao Poblacion sa Tuba, Benguet dakong alas-8:30 ng umaga kahapon.

Nasa 25 namang ma­ngingisda na lulan ng tatlong bangka ang napaulat na nawawala matapos na abutin ng unos ng bagyong Labuyo sa karagatan.

Ang bangkang pangis­dang Super Boy ay uma­lis sa Infanta, Pangasi­nan noong Agosto 8 pero nabi­gong makabalik

Kabilang sa lulan nito ay ang boat captain na si Ramil Rosal; Ricardo Etac; Iguan Bulig; Balong Nical; Narding Nical; Da­niel Maloon; Andy Lebios; Efepanio Rosal; Dodong Rosal at Joseph Arupin.

Lulan naman ng bangkang Bon bon ang siyam na crew na umalis sa Brgy. Cato, Infanta na sinasakyan ng mga ma­ngi­ngisdang sina Larry Evangelista, boat captain; Geronimo Igan; John Malicdem; Oscar dela Cruz; Reynaldo Corpuz; isang ti­nu­koy na Pedro, Pablito Evangelista, alyas Bong at Aaren Lauren.

Sa pangatlong bangka na umalis naman sa Bo­linao, Pangasinan ka­ma­­kalawa ay nawawala naman ang anim na mangi­ngisda na sina Jose Rolly Bagor; Tito Dagun; Gerry Barrientos; Rosendo Cas; Rolly Boy Maratas; at Man­ding Carranza.

Siyam na naman ang nawawala sa kabuuang 51 pinaghahanap na mangi­ngisda mula sa Catanduanes habang 14 namang mangi­ngisda ang nawawala sa Camarines Norte.

Show comments