MANILA, Philippines - Isang baguhang kongresista ang nagsulong ng panukalang batas na “My Husband’s Lover “ Bill.
Sa ilalim ng House bill 2352 na inihain ni Albay Rep. Edcel Lagman Jr., papatawan ng parusa ang mga homosexuals na magkakaroon ng relasyon sa may-asawa.
Layunin ng panukala na amyendahan ang panukalang crime against chastity na nagtatakda ng parusa sa mga nangangaÂliwa para ipasakop dito ang mga bakla at tomboy.
Paliwanag ng mambabatas na sa kasalukuyan, ang crime against chastity o adultery at concubinage ay sumasakop lamang sa extra marital affairs ng mga lalaki at babae.
Subalit, kung ang lalaÂki ay nakipag-relasyon sa kapwa lalaki na may asawa o isang babae ang nakipag relasyon sa babaeng may-asawa ay hindi pa maituturing na krimen dahil walang batas na sumasakop dito.
Nilinaw naman ni Lagman na suportado nito ang Lesbian Gay Biasexual Transgender (LGBT) community, subalit hindi lamang ang positibong panig nito ang dapat pagtuunan ng pansin at katulad ng kasal ang pagkakapantay-pantay ng lahat ay dapat na pinaiiral.