Magpipinsan utas, 1 pa sugatan sa ambush

MANILA, Philippines -Nasawi noon din ang 3 magpinsan habang nasugatan ang isang municipal councilor matapos na pagbabarilin ang kanilang sinasakyan ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan  kamakalawa ng gabi sa Alaminos, Laguna.

Ang mga nasawi ay ang magpinsan na sina Sonny, James at Nelson Briz habang nasugatan si Lino Zuñiga, konsehal ng bayan ng Alaminos.

Sa ulat ng Laguna Provincial Police Office, dakong alas-11:10 ng gabi habang bumabagtas ang sasakyan ng mga biktima na Mitsubishi sa kahabaan ng national highway, Brgy. 1,  Alaminos mula sa sabungan nang sila ay ratratin ng mga suspek na sakay rin ng behikulo at may backup na motorsiklo.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Show comments