MANILA, Philippines - Maging sa kanyang hometown ay tinalo ni MarinÂduque CongresswoÂman Gina Reyes si daÂting Congressman Lord Alan Jay Velasco noong nakalipas na May 13
midÂterm elections.
Ito ang naging reaksÂyon ni Reyes sa ulat na ipinagkakalat umano ni Velasco na siya ang kaÂrapat-dapat na umupo bilang representante ng Marinduque sa Kamara.
Sinabi ni Reyes, maÂlinaw na siya ang naÂnalo sa eleksiyon sa Marinduque matapos makakuha ng boÂtong 52,209 na lamang na mahigit 3,800
boto laban kay Velasco.
Maging sa bayan ng Torrijos na siyang hometown ni Velasco, ay si Reyes ang nanalo sa nakuhang 6,151 boto kumpara sa boto ni Velasco na umaÂbot lamang ng 6,047.
Idinagdag pa ni Reyes na nakapagtataka na ang Commission on Elections (Comelec) lamang at ang Korte Suprema ang nagnaÂnais na si Velasco ang
maÂnalo gayung malinaw na ang buong Marinduque ay siya ang nais maupo sa Kongreso.
Matatandaang diniskuwalipika ng Comelec at ng Korte Suprema si Reyes dahil lamang sa isang blog na nagsasabing si Reyes ay isang foreign citizen at ang ebidensiya ay tanging xerox copy laÂmang.
Binanggit din ni ReÂyes na mismong si CoÂmeÂlec chairman Sixto BrilÂlantes Jr. ang nagsabing bigo ang petitioner na si Joseph Socorro Tan na patunayan na si Reyes ay hindi na isang Filipino at ang kanyang alegasyon ay ‘circumstantial in character’ lamang.