MANILA, Philippines - Binistay ng bala ang isang 40-anyos na lalaki na pinaniniwalaang mandurukot ng hindi pa kilalang suspek sa underpass sa tapat ng Manila City Hall (MCH) sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.
Ang biktima ay kinilaÂlang si Juanito Delfin, tuÂbong Pangasinan, residenÂte ng Gate 13, Area-B, Parola Compound, Tondo, MayÂnila.
Sa ulat, dakong alas-7:20 ng umaga nang barilin ng ilang beses habang nakatalikod at naglalakad umano sa Lagusnilad sa tapat ng city hall ang biktima na nakasuot pa umano ng bagong rubber shoes, naka-maong na pantalon at puting polo.
Inamin ng isang Lanie Abad, live-in partner ng biktima na minsan ay mandurukot ang kaniÂyang mister at wala siÂyang alam na trabaho ito.