Brgy. Kagawad na may sakit at walang pera, nagbigti

MANILA, Philippines -Marahil sa sobrang depresyon na nararanasan dahil sa sakit na diabetes at kawalan ng pera ang umano’y dahilan nang pagbibigti ng isang barangay kagawad ng Brgy. Salvacion, Quezon City.

Ang biktima ay naki­lalang si Oscar Santos, 58, tubong Maynila at resi­dente ng #169 Baco, La Loma, Brgy. Salvacion, sa lungsod.

Sa salaysay ng misis ng biktima na si Emma Santos, bago ang pagpapakamatay ng asawa ay umalis siya ng bahay para sunduin ang kanilang anak sa eskwela.

Pagdating ng ginang dakong alas-8:00 ng umaga ay  tumambad sa kaniya ang wala ng buhay na ka­tawan ng mister na na­kabitin sa hamba ng bahay gamit ang isang piraso ng tela na ipinalupot sa leeg nito.

Humingi ng tulong sa kapitbahay upang mai­baba ang biktima at saka itinakbo sa Chinese Hospital kung saan idineklara na ring patay ganap na alas-8:40 ng umaga. 

Naglabas ng waiver ang misis na nagsasabing kumbinsido siya na nagpa­kamatay ang asawa  hinggil na rin sa matagal ng iniindang sakit na diabetes at kakulangan sa pera.

Show comments