MANILA, Philippines -Dalawang kolumÂnista ng isang pahayagang tabÂloid ang pinagbabaril ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo habang sila ay nagkukuwentuhan sa harap ng tindahan na pag-aari ng isa sa biktima kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Namatay noon din ang mga biktimang sina Bonifacio Loreto, 47, publisher ng Aksyon Ngayon, newspaper, residente ng Building 1, No. 0012 MRB Brgy. ComÂmonwealth at RiÂchard Kho, 59, executive editor, residente ng #29 BF Homes Road, Brgy. Holy Spirit, sa naturang lungsod.
Inilarawan ng mga testigo ang dalawang suspek na nakasuot ng puting t-shirt, itim na jacket, puÂting sumbrero, at nasa 5’3†hanggang 5’5†ang taas.
Batay sa ulat, bago naganap ang pamamaril sa dalawang biktima dakong alas-11:30 ng gabi sa harap ng tindahan ni Loreto na kahabaan ng Pilot Drive malapit sa Rotary School, Brgy. Commonwealth ay kakuwentuhan ng dalawang biktima ang isang Rey Moreno nang biglang lumapit ang dalawang armadong lalaki lulan ng isang motorskilo at agad na pinagbabaril ang mga biktima.
Nang makita ng wala nang buhay ang dalawa ay agad tumakas ang mga suspek patungo sa hindi malaman na destinasyon.
Ayon sa kaanak ng isang biktima, posibleng may kinalaman ang krimen sa trabaho ng dalawa bilang maÂmahayag na siyang iimÂbestigahan ng mga otoridad.