Uulan ng bulalakaw ngayong linggo

MANILA, Philippines - Asahan na ang pag-ulan ng mga bulalakaw hanggang sa huling araw ng Hulyo ng taong ito, simula ngayong araw.

Sinabi ni Vicente Malano, head ng astroni­mical division ng PAGASA, mula Hulyo 28 hanggang 31 ay makikita ng mga early risers ang pag-ulan ng bulalakaw na may bilang na mula 5 hanggang 10 kada oras o aabutin ng 15 bulalakaw kada oras kung maganda ang kondisyon ng kala­ngitan.

Bukod sa meteor sho­wer ay mayroon ding ma­gaganap na stargazers sa kalangitan hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo.

“Stargazers will be ha­ving a nice time watching the night sky with the famous Summer Triangle of the stars Vega, Deneb and Altair of the constella­tions Lyra, Aquila and Cyg­nus, respectively, being well placed in the eastern horizon before midnight,” wika pa ni Malano.

 

Show comments