2 gun runner na shabu pusher dedo sa shootout

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na umano ay kilabot na gun runner at shabu pusher ang nasawi nang makipagbarilan sa mga elemento ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Army (PA) sa isang operasyon sa barangay Batulawa, Pikit North Cotabato.

Ang mga napatay ay kinilalang sina Raymund Timan, alias Menu, nasa watch-listed drug personality ng Philippine National Police (PNP) sa Pikit, North Cotabato, isang gun-for-hire; at kasama nitong si Titin Alba, alias Teo, isa ring gun-for-hire.

Batay sa ulat, nang lulusob ang mga otoridad sa kuta ng mga suspek ay nag­labas ng baril at granada si Timan kaya’t pinutukan na ito ng mga otoridad.

Nagpaputok din umano si Alba sa mga otoridad kaya’t binaril din ito.

Nakuha sa pag-iingat ni Timan ang tatlong sachet ng shabu; isang .38 caliber revolver pistol; CZ 9mm pistol; isang M16 rifle  na may 13  magazine assembly; isang  KG 9mm sub-machine gun; at 3 fragmentation grenade.

Habang nakuha naman kay  Alba ang may 5 sachet ng shabu, isang  .45 cal. pistol at mga drug paraphernalia.

 

 

Show comments