Senators, Solons ‘powerful forces’ sa BOC

MANILA, Philippines - Ibinunyag ni Customs Deputy Commissioner Juan Lorenzo Tañada na ang mga senador at congressmen ay ilan lamang sa “powerful forces” na nanghihimasok sa pamamalakad sa Bureau of Customs (BOC).

“Madalas po yan lalo na hiring and promotion and appointment ng tao sa bureau kasi sa internal administration group yun. May ready made sagot ako diyan na it is Commissioner Biazon who (will make a decision). Doon sa tumatawag, madalas po yan. Nagsasabi po ng totoo si Deputy Commissioner Danny (Lim),” ani Tañada.

Ayon kay Tañada posibleng kailanganin pa ang isang termino ng Pa­ngulong Noynoy Aquino upang tuluyang malinis ang  BOC.

“Dalawang pangulo na parehas yung mindset kasi po ang totoo po niyan matapos ang termino ni P-Noy kung hindi katulad ng kay P-Noy ay back-to-square one po ang mangyayari,” dagdag pa ni Tañada.

Aminado din si Tañada na sa kanyang pagpasok sa BOC at makita ang  sangkatutak na anomalya, lubhang kailangan nito ng bagong regulasyon at sistema.

“Hindi po natin maga­gamot sa loob ng tatlong taon. Honestly po kaila­ngan po ng minimum da­lawang termino ng admi­nistrasyon,” ani Tanada.

Kadalasang natutukso ang mga tauhan ng customs sa mga lagay dahil na rin sa liit ng kanilang  suweldo.

“Isa sa mga pinakamalaking problema ay ang pagbigay ng discretion sa mga tao sa frontline to make decisions. Ibig ko sabihin masyadong malaki ang leeway na binibigay sa empleyado pag andun ka sa frontline especially po yung mga sweldo ng kawani natin hindi ganun kataas,” dagdag pa ng nag­bitiw na opisyal.

Magugunita na kama­kalawa ay nagbitiw si Danny Lim bilang Customs Deputy for Intelligence matapos na aminin na hindi niya kaya ang â€œpowerful forces” na nakakaapekto upang  malinis  ahensiya mula sa smuggling.

Show comments