MANILA, Philippines -Utas ang isang 10-taong gulang na batang lalaki matapos na aksidenteng tamaan ng ligaw na bala sa leeg sa Brgy. Elian, Datu Saudi Ampatuan, MaguinÂdanao kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang nasawing biktima na si Moladin Kamid, Grade V pupil at residente ng nasabing barangay.
Ayon kay Col. Dickson Hermoso, Spokesman ng Army’s 6th Infanty Division (ID) bandang alas-5:00 ng hapon ng magsaÂgawa ng pangha-harass ang mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) rogue elements sa detachment ng 2nd Mechanized Infantry Battalion ng Phil. Army.
Sinabi ni Hermoso na nagpaputok ng Rocket Propelled Grenade (RPG) at 40 MM grenade launcher ang BIFF kung saan mabilis na nagdepensa ang mga sundalo.
Matapos ang palitan ng putukan ang magkabilang panig ay ang walang kinaÂlaman na bata ang tinamaan ng ligaw na bala na kanyang agarang ikinamatay.