MANILA, Philippines -Maaari na ring maÂkaupo at magkaroon ng representasyon sa Kongreso ang Senior Citizens partylist matapos na ilabas ng mga mahistrado ang desisyon ng Korte SupreÂma sa isinagawang en banc session para baliktarin ang ipinatupad na disqualification ng Commission on Elections (Comelec) kontra sa nabanggit na grupo.
Sa botong 13-2, idinekÂlara ng SC na ilegal ang ginawang pag-disqualify ng Comelec sa nasabing partyÂlist group dahil hindi naman naipatupad ang kasunduan o wala namang nangyaring term sharing sa pagitan ng mga nominado ng nasabing grupo.
Ipinag-utos din ng Korte Suprema ang pagÂlaan ng dalawang puwesto para sa nasabing partylist group na pasok sa 10 nangungunang grupo na nakakuha ng pinakamataas na boto sa nakaraang halalan.